PARA SA BASECO: Namahagi ngayong Martes, ika-31 ng Marso ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng food packs sa Barangay 649, Baseco bilang ayuda sa mga pamilyang Manileño na apektado ng ipinapatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng food packs sa bawat barangay sa lungsod. Nakatakda ang distribusyon nito para sa 350,000 pamilyang Manileno.