Patuloy na nag-iikot ang Department of Public Services (DPS) sa mga simbahan at mga pampublikong lugar sa lungsod upang magsagawa ng misting and disinfecting operations laban sa banta ng coronavirus disease o COVID-19.

Kabilang dito ang misting operations na isinagawa ngayong Martes, ika-31 ng Marso sa Malate Catholic Church at Paco Catholic Church ng ika-5 Distrito.