NAKARATING NA: Natanggap na ng mga district hospitals sa Lungsod ng Maynila ang mga donasyong Personal Protective Equipment (PPE), tubig at pagkain mula sa iba’t-ibang kumpanya at mga indibidwal kahapon, Miyerkules, ika-25 ng Marso.

Lubusan pong nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod sa lahat ng tulong na inyong ipinaabot para sa ating frontliners at healthcare workers.