TINGNAN: Nagsagawa ng spray misting operations ang Department of Engineering and Public Works (DEPW) noong Biyernes, ika-13 ng Marso sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa ika-2 distrito bilang pag-iwas sa paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19).

Kabilang dito ang Librada Avelino Elementary School, M. Hizon Elementary School, Torres High School at F.G. Calderon Integrated School.