Naglagay ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) noong Linggo, ika-15 ng Marso ng isolation tents sa district hospitals sa Lungsod ng Maynila bilang paghahanda laban sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Kasalukuyang mayroong isolation tents sa Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc at Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital.

Mayroon namang mobile clinic ang MDRRMO sa Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital.