Nagpatupad ng mga ordinansya ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila upang paigtingin ang paglaban sa paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19) at masuportahan ang mga empleyadong apektado ng “enhanced community quarantine” sa lungsod.

Kabilang dito ang pagpapatupad ng curfew, Anti-Spitting Ordinance, mahigpit na pagbabawal sa hoarding, profiteering at mga kartel, pati na rin ang pagpapasara ng mga mall at iba pang matataong lugar sa lungsod.

Pinirmahan rin ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noong Lunes, ika-16 ng Marso ang Supplemental Budget no. 1, na naglaan ng P60 milyon na tulong pinansyal sa lahat ng empleyado, kabilang ang mga Job Order(JO) workers, sa Lungsod ng Maynila.