Ibinahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang mga paghahanda at mga inisyatibo laban sa banta ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa ilalim ng Code COVID-19 (Contain and Delay), naglaan ang pamahalaang lungsod ng karampatang budget para sa mga district hospitals at sa bawat pamilyang Manilenyo.

Kabilang din dito ang pagbili ng iba’t-ibang kagamitan, pag-imbak ng pagkain, tubig at bitamina, at ang pagtatatag ng Emergency Hotline para sa agarang pagtugon sa mga katanungan at ulat ukol sa COVID-19.

Makinig. Magmatyag. Makiisa.