TINGNAN: Pinapaalala ng Manila Barangay Bureau (MBB) na mayroong Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) sa buong lungsod na handang tumugon sa mga katanungnan at pinaghihinalaang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa inyong komunidad.

Sa isang panayam kay MBB Chief Romy Bagay, hinikayat niya ang kooperasyon ng bawat isa sa pag-uulat ng mga taong may sintomas upang agaran itong mabigyan ng pansin at aksyon.

“Lahat po sana ng mga taong may sintomas na ubo, sipon, at lagnat ay magtungo agad sa pinakamalapit na ospital o sa ating BHERT para mabigyan ng karampatang medical assistance,” aniya.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pag-iikot ng mga opisyal ng barangay upang i-monitor kung mga sintomas o may travel history, lokal man o sa ibang bansa, ang kanilang mga nasasakupan.

Maaaring tingnan ang kabuuan ng panuntunan ukol sa BHERT sa ibaba.