Muling nagbahay-bahay ngayong Martes, ika-24 ng Marso, ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila upang mamahagi ng mga food packs mula sa DSWD-NCR bilang ayuda sa bawat pamilyang Manileño na apektado ng ‘enhanced community quarantine’ sa buong rehiyon.

Kabilang sa mga barangay na napuntahan ng distribution team ay Barangay 101, 129, 130, 131, 132, 134, 525, 822, 826, 827 at 828.

Pinapaalalahanan din po ang lahat na tuloy-tuloy ang distribusyon ng food packs sa buong lungsod at nakatakda po ang pamamahagi sa bawat barangay.