Pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ngayong Martes, ika-11 ng Pebrero ang distribusyon ng tulong pinansyal para sa higit kumulang 1,200 pamilyang nasunugan na kasalukuyang nasa Baseco Evacuation Center.

Hinikayat ni Domagoso ang lahat na panatilihin ang pag-asa sa buhay dahil gagampanan ng pamahalaang lungsod ang tungkulin nitong matulungang makabangon ang mga nasunugan.

“Ito’y kaunti lamang, pinagtulung-tulungan namin ito. May awa ang Diyos, makakaraos din tayo,” aniya.