Pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang distribusyon ng tulong pinansyal para sa edukasyon at panimulang kapital para sa pagtatayo ng mga ‘livelihood programs’ noong Miyerkules, ika-5 ng Pebrero sa San Andres Sports Complex.

Bahagi ito ng programa ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) na naglalayong tulungan ang bawat kabataang Manileno na makapag-aral at ang mga mahihirap na pamilya na makapagsimula ng sarili nilang hanap-buhay.

Pinaalalahanan ng alkalde na pahalagahan at gamitin nang wasto ang nakuhang tulong mula sa pamahalaan.

“Pera ito ng taumbayan na ibinabalik lamang sa inyo. Sa mga magulang na naririto, magsikap na sana kayo. Totoong mahirap ang buhay pero huwag kayong mawawalan ng pag-asa,” ani Domagoso.