TINGNAN: Nagbigay tulong ang mga chairman at kagawad ng mga Sangguniang Kabataan ng ikalimang distrito ng Lungsod ng Maynila sa mga nasunugan sa Barangay 776.

Ayon kay Manila Youth Bureau director Alex Layos, nag-ambagan ang mga opisyales ng SK para makapagbigay ng tulong tulad ng pagkain at toiletries sa mga nasunugan.

Sa mga gustong tumulong, maaari pong i-contact si Lindsay Javier, ang hepe ng Reception and Action Center ng Manila Department of Social Welfare, sa mobile number na 09477545834.