Inilunsad nitong Martes, ika-28 ng Enero ang kauna-unahang ‘AlasKalikasan Wrapper Redemption Project’ bilang pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at ng Alaska Milk Corporation.

Sa ilalim ng programang ito, kada limang kilo ng ‘flexible plastic’ ay maaaring ipalit para sa isang kilo ng Alaska Fortified Powdered Milk Drink.

Layunin nito na matulungan ang mga nangangailan, lalo na ang mga kapus-palad na pamilya at isulong rin ang tama at responsableng pagtatapon ng basura.

Inanyayahan ng alkalde ang lahat na makiisa at tangkilikin ang mga proyekto ng pamahalaang lungsod tungo sa mas malinis na Maynila.

“Marami tayong mga proyekto para sa ating mga barangay na nagsusulong ng kalinisan. We’re really trying to clean up the mess. ‘Di ba sinabi ko naman sa inyo, tatanggalin ko ang libag ng Maynila,” ani Domagoso.

(Kuha ni Christian Turingan/MPIO)