BAGONG MAYNILA: Tumanggap ng 42 bagong Acer computers ang mga public library ng Lungsod ng Maynila bilang parte ng inisyatibong “Digital Literacy Act for All.”

Ang inisyatibo ay naglalayong mapadali ang pagkalap ng impormasyon pati na rin mapalawak ang lugar para sa diskurso at pakikipagtulungan.

Inihayag ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa Acer Philippines.

Binigyang-diin ng Alkalde ang kahalagahan ng mga public library bilang instrumento para sa pananaliksik at pagsisiyasat ng kahit sinong Batang Maynila.

“I am a believer of acquiring knowledge. Walang bata, walang matanda, everybody can acquire knowledge,” ani Domagoso.

Ipapadala ang mga Acer computer sa 11 public library ng lungsod:

Manila-Sacramento Friendship Library (5 computers), San Nicolas Public Library (4 computers), Tondo Public Library (4 computers), Valeriano E. Fugoso Library (4 computers), Main library Ref. Division (8 computers), Kapitan Isidro Mendoza Public Library (2 computers), Dapitan Complex Library (2 computers), Arsenio H. Lacson Public Library (3 computers), Bacood Public Library (4 computers), Patricia Public Library (2 computers) at Manila-San Francisco Friendship Library (4 computers). (Mga kuha ni K R De Asis/MPIO)