Pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Miyerkoles, ika-11 ng Disyembre, ang pagbibigay ng capital at educational assistance para sa mga mag-aaral sa Lungsod ng Maynila sa State of the Children’s Address na ginanap sa San Andres Sports Complex.

Nagbigay rin ng isang nakapupukaw damdamin na pananalita ang alkalde, pinaalala niya ang kahalagahan ng disiplina sa sarili at pagtuunan ang kanilang edukasyon.

“Mag-aral kayong mabuti at magsikap, kung maghahanap ka ng dahilan, walang mangyayari,” ani Domagoso.

Bahagi rin ng programa ang pagbibigay ng allowance sa grade 12 students sa ilalim ng social amelioration project.

Pinangako ni Domagoso na patuloy na kikilos ang pamahalaang lungsod tungo sa pagpapaunlad ng edukasyon, imprastruktura at pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan.

“Hindi kami titigil hangga’t hindi natin naitataas ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilya dito sa lungsod ng Maynila,” aniya.

Dumalo rin si Manila City Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, Manila Police District chief Bernabe Balba, Manila Department of Social Welfare director Re Fuguso at Manila District 2 Councilor Roma Robles.

(Mga kuha ni Christian Turingan/MPIO)