Inilunsad ng Manila Civil Registry Office, sa pangunguna ni Atty. Chris Tenorio, ang “Kasalang Bayan 2019” nitong Biyernes, ika-29 ng Nobyembre sa mas pinagandang Mehan Garden.

Inihatid ni Manila City Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pangbungad na pananalita, binigyang diin niya ang pagiging sagrado ng kasal at ang kahalagahan nito sa pag-sasama ng mga mag-asawa.

“Sinumang pinag-isa ng Panginoon ay di dapat paghiwalayin ninoman.” ani Vice Mayor Lacuna-Pangan.

Pinangunahan din ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pag-iisang dibdib ng 135 na magkabiyak mula sa iba’t-ibang distrito ng Maynila.

“Ipinapanalangin ko ang inyong matagumpay na pagsasama, malusog na pangangatawan sampu ng inyong mga magiging supling at mapagtagumpayan sana niyo ang inyong mga pangarap,” hiling ni Domagoso.

Si Bb. Kim Simbahan ang nagsilbing guro ng palatuntunan. Kabilang naman sa mga nagtanghal ay ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila Student Society Chorale, Manila City Chorale, PARC Aralan Musical Scholars, UP singing Ambassadors at Tales of Music Strings.

(Photos by K R De Asis/ MPIO)