#PaskongManileño ang lahat ay inaanyayahan sa ika-13 ng Nobyembre, 2019 sa Pag-iilaw ng Christmas Tree at Parol, na gaganapin sa gawi ng Kartilya, Bantayog ni Bonifacio.

Sasabayan ang pag-iilaw sa Luneta Park, Intramuros, Escolta, Tutuban Mall, Paco Park, Philippine Post Office, National Museum at Rizal Park Hotel.

Ang ating programa ay papasayahin pa ng mga hinandang musika mula sa Adamson University Chorale at Adamson University String Orchestra.