BREAKING: “Ipadidila” diumano ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga bandalismong ginawa ng mga militante sa Lagusnilad Underpass kung sakaling mahuli sila ng mga otoridad.

“Kapag nahuli ko kayo, ipadidila ko sa inyo ito,” banta ni Domagoso sa isang ambush interview ng CNN Philippines.

“Ang ganda ganda na eh. Ang linis na. It took 15 years for that underpass to be attended. Nobody attended to that underpass,” aniya.

Ang pagbabandalismo ay ipinagbabawal sa ilalim ng Ordinance No. 7971 o ang tinatawag na “Anti-Vandalism Law of 1999.

“Kayo ang nambababoy eh. Hindi makatwiran ‘yan. We don’t deserve this. The people of Manila don’t deserve this,” ani Domagoso.