Ang Public Employment Service Office (PESO) City of Manila na napapaloob sa Opisina ng ating Mahal na Alkalde Isko Moreno Domagoso katuwang si Bise-Alkalde Honey Lacuna ay malugod pong iniimbitahan ang lahat ng Manileño na NAGHAHANAP ng TRABAHO.

Simula po November 4, hanggang November 28, 2019 (8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, tuwing Lunes hanggang Huwebes Lamang) ay magsasagawa ang amin pong tanggapan ng Local Recruitment Activity na dadaluhan ng sampung (10) employers kada araw.

OPO! 10 EMPLOYERS KADA ARAW!

Magtungo lamang sa Rm. 446, 4th Floor, Manila City Hall, Arroceros St., Ermita, Manila (Clock Tower Area).

PAALALA:

Sa pagsali po sa ganitong uri ng programa ay hinihikayat ang lahat ng mag-aapply na magdala ng mga kopya ng mga sumusunod:

1. Resume/Biodata;
2. 2×2 Picture;
3. Diploma o Transcript of Records; at
4. Barangay Clearance.

Napakaraming Vacancies po, mapa professional, technical, skill based, human services atbp. kaya ano pa ang hinihintay niyo, magtungo na sa Public Employment Service Office (PESO), malay ninyo, dito niyo na makuha ang trabahong hinahanap ninyo.

Manila, GOD First!