TINGNAN: Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at ni Mr. Edgardo Sunico ng Unilever Philippines ang MOA Signing bilang bahagi ng programang “Kolek, Kilo, Kita para sa Walastik na Maynila!” nitong Miyerkules ika-13 ng Nobyembre 2019.

Sa kasalukuyan, halos walong tonelada na ang nakolektang basura at bawat kilo nito ay may kapalit na insentibo mula sa Unilever Philippines.

Pinasalamatan ni Mayor Domagoso ang Unilever, Cemex, at Republic Cement pati ang mga nakilahok sa programa sa kanilang pakikiisa tungo sa mas malinis na lungsod.

“Yari ang basura sa Maynila,” ani ni Domagoso.

(Mga kuha ni Christian Turingan/ MPIO)