Inaanyayahan ng Tanggapan ng Talaang Sibil ng Maynila ang mga BatangMaynila na sumali sa gaganaping engrandeng Kasalang Bayan 2019 na pangungunahan ng ating Punong Lungsod, Kgg. Francisco “Isko Moreno” Domagoso at ng ating Pangalawang Punong Lungsod, Dra. Maria Sheilah Lacuna-Pangan.

Ang Kasalang Bayan ay magaganap sa ika-29 ng Nobyembre, 2019 sa ganap na ika-6 ng gabi sa Mehan Garden, Taft Ave., Ermita, Manila.

Upang magpalista at makasali ay mangyari lamang na magsadya sa aming tanggapan upang personal na magpalista at malaman ang iba pang impormasyon.