Isang Pagtatanghal mula sa Lungsod ng Maynila at Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau (MTCAB), kasama ang Manila Philharmonic Orchestra at Themeworks Events ang “Maynila: Maalala Mo Kaya, Ang Musika ng ating Kasaysayan” ang ginanap noong ika-23 ng Oktubre, 2019 sa Simbahan ng Sto. Niño de Tondo, Chacon St.,Tondo, Manila.

Pinangunahan ng Manila Philharmonic Orchestra kasama ang mga kilalang mang-aawit, sa pagkumpas ni G. Rodel Colmenar at sa direksyon ni G. Miguel Miñana. Kabilang rin sa mga nagtanghal ay ang Ballet Manila at mga tanyag na mangaawit na sina B. Buitin Escalante, B. Dulce, G. Gian Magdangal kabilang ang ilan pang mga natatanging alagad ng sining.

Isang pagpupugay at pag-alala sa musika ng Maynila – Musika ng ating Kasaysayan.

(Photos by Christian Turingan/MPIO)