Inaresto ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District Sampaloc Police Station o PS-4 si Marlon Dela Cruz sa Sampaloc, Maynila noong ika-28 ng Setyembre.

Ayon sa Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team, si Dela Cruz ay diumaong tauhan ng dating barangay chairwoman.

Arestado ang suspek matapos magsagawa ng buy-bust operation and SDEU sa Algeciras Street, Barangay 484, Zone 43.

Nakumpiska sa kanya ang walong pirasong small heat-sealed transparent plastic sachets na may white crystalline substance na hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu na may halagang P30,000.

Nakumpiska rin ang isang pirasong Five Hundred Peso Bill na ginamit bilang buy-bust money sa kanya.

Haharapin niya ang kaso sa paglabag ng Section 5 at Section 11 ng Article II ng Republic Act No. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

(Litratong kuha ni Christian Turingan/MPIO)