Dinaluhan ng mga mag-aaral ng Junior at Senior High School, mag-aaral mula sa PLM at UDM, mga kasapi ng Organisasyong Pangkabataan, NYC, at mga SK Officials ang Pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan sa Lungsod ng Maynila. Inilahad sa programa ang mga plano, pangarap, aspirasyon, hangarin, at tunguhin ng Maynila sa mga Kabataang Manileño sa pangunguna ng masigasig at maka-Kabataang Alkalde, Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Dahil may Gobyerno na sa Maynila, asahan ng Kabataang Manileño na ang kanilang kapakanan at pangangailangan ay mauukulan ng pansin at matutugunan. Asenso Kabataang Manileño.