Ang Lungsod ng Maynila ay hindi lamang kapital ng Pilipinas, kundi isa itong lungsod ng iba’t ibang kultura at tradisyon.

Ngayon araw na ito ipinagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim ang “Eid’l Adha” kung saan mamutawi sa ating puso at isip ang mga sakripisyo na ginawa ng mga kapatid nating Muslim.

Sa ating pangarap na magtaguyod ng isang bagong Maynila, dalangin po natin na unti-unti tayong makabangon lahat sa hamon ng buhay na ating hinaharap. 

Itaguyod natin ang kapayapaan sa bawat isa, ano man ang iyong paniniwala sa buhay.

Binabati po natin ang ating mga kapatid na Muslim, Eid Mubarak po!

(Pubmat by Carlo Asoro/MPIO)