Sana’y magsilbing gabay sa ating mga Batang Maynila ang mga mahahalagang aral mula sa kagitingan at katapangan ng ating mga bayani. Naniniwala po tayo na ito ang susi tungo sa hinahangad nating Bagong Maynila.

Ayon nga sa kasabihan, ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.

Isang pagpupugay sa ating mga bayani na lumaban para sa kalayaan ng ating inang bayan!

Mabuhay ang Pilipinas! – Mayor Isko Moreno

(Pubmat by Carlo Asoro/Manila PIO)