Maagang ipinagdiwang sa Lungsod ng Maynila ang Buwang Wika na ginanap sa Kartilya ng Katipunan. Ang pagdiriwang ay pinangunahan ni Alkalde Francisco M. Domagoso kaisa si Bise-Alkalde Maria Sheilah Lacuna-Pangan at ang buong konseho at empleyado ng pamahalaan.

Dumating din sa pagdiriwang si Kgg. Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Pilipinas, taga-Pangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining. Nakisaya rin sa pagdiriwang si Pambasang Kamao, Senador Manny Pacquiao. Nagdagdag ng kasiyahan ang Banda Kawayan na tumugtog ng ilang piling awitin mula sa PUP Bataan.

Ang Buwan ng Wika ngayon taon ay may temang “Wikang Katutubo: Tungo sa isang Bansang Filipino” na gaganapin sa buong buwan ng Agosto.

[Christian Turingan,MPIO/ Angel Carlo Salonga, MTCAB]