Tulong sa Mag-Aaral

Masayang nagtungo sa San Andres Gym ang mga kabataang Manilenyo at kanilang mga magulang upang tanggapin ang tulong na handog ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada sa ilalim ng Educational Assistance Program (EAP) ng pamahaalang lungsod. Sa ilalim ng programa, nabibigyan ng P5,000 ang mga mahihirap na mag-aaral na magagamit sa kanilang school expenses tulad ng baon, school supplies, uniporme, sapatos at iba pa. Sa kanyang mensahe, pinayuhan ni Mayor Erap ang kabataan na maging disiplinado sa pag- aaral upang magtagumpay sila sa hinaharap. (Mga larawan ni Joel Santos)