The First One Hundred Days

SPEECH OF HON. MAYOR JOSEPH EJERCITO ESTRADA
REPORT TO THE CITY
ON THE FIRST ONE HUNDRED DAYS
October 10, 2013

ISANG MAGANDANG ARAW AT MABUHAY SA ATING MAHAL NA MGA KABABAYAN SA ATING DAKILANG LUNGSOD NG MAYNILA.

MULI AKONG NAGPAPASALAMAT SA INYONG PAGTITIWALA AT SUPORTA SA AKIN, SA ATING VICE-MAYOR ISKO MORENO AT SA KABUUAN NG ATING KONSEHO AT NG ATING KAWANI.

ISANG-DAANG ARAW NA ANG LUMIPAS NGAYON MULA NG KAMI PO AY NAGSIMULANG MANUNGKULAN SA ATING LUNGSOD.

AT DAHIL MARAMI AKONG UTANG NA DINATNAN SA CITY HALL, KAYA NATUTO NA AKONG MAGBILANGNG DAPAT GAWIN SA CITY HALL. PATI ARAW BINIBILANG KO NA.

KAPAG MARAMI KA PALANG UTANG NA DAPAT BAYARAN, MATUTUTO KA TALAGA NG ACCOUNTING.

SA ARAW AT GABI, IKINATATAKOT KO ANG PAGDATING NG MGA BILLING AT COLLECTION LETTER.

PATI SA PAGTULOG KO, NAPAPAGINIPAN KO ANG UTANG NG MAYNILA.

NGUNI’T DAHIL SA SUPORTA NG ATING MGA KABABAYAN, LUMALAKAS ANG AKING LOOB, KAYA NAMAN NAISIP KO NA MAGBIGAY SA ATING LUNGSOD NG ULAT KUNG ANO ANG ATING SINIMULAN AT GINAWA SA UNANG ISANG-DAANG ARAW NG ATING PANUNUNGKULAN.

ONE HUNDRED DAYS HAVE QUICKLY PASSED SINCE I BECAME THE CITY MAYOR OF MANILA.  IN THAT SHORT SPAN OF TIME, I HAVE TRIED MY BEST, GIVEN ALL THE CONSTRAINTS OF MY OFFICE, TO SET THE TONE FOR MY PLANS AND PROGRAMS FOR THIS DISTINGUISHED CAPITAL OF THE PHILIPPINES.

WE HAVE STARTED TO RESTORE MANILA TO ITS FORMER GLORY BY ADDRESSING ITS MANY PROBLEMS TODAY IN ORDER FOR US TO FACE THE FUTURE WITH GREATER CONFIDENCE AND OPTIMISM.

NANG AKO AY MAUPO BILANG CITY MAYOR OF MANILA, SAKIT NG ULO AT SAKIT NG KATAWAN ANG SUMALUBONG SA AKIN SA DAMI NG MGA PROBLEMA NA AKING MINANA. PERO, OKAY LANG. HINDI TAYO TULATALIKOD SA HAMON.

HINDI AKO NAGSISISI SA NAPASUKAN KO DAHIL ITO ANG PANGAKO KO SA ATING MGA MAMAMAYAN NG MAYNILA. KAYA HINAHARAP NATIN ITO DAHIL DITO NAKASALALAY ANG ATING KINABUKASAN.ANG HAMON NG PAGBABAGO, HINDI TINATALIKURAN. ITO AY HINAHARAP NG BUONG TIBAY NG LOOB AT DAMDAMIN.

GAYA NG ALAM NA NATING LAHAT, DINATNAN NATING HALOS WALANG LAMAN ANG KABAN NG BAYAN.  SA MERALCO PA LAMANG, ANG UTANG NG MAYNILA AY HUMIGIT-KUMULANG NA SA ANIM NA RAANG MILYONG PISO (P600M). (VISUALS OF MERALCO BILLING).

ANG MGA POLICE STATIONS NG MAYNILA, PINUTULAN NG TUBIG DAHIL HINDI NAKAKABAYAD, NABAYARAN NA ITO NGAYON.

AND ACCORDING TO THE COMMISSION ON AUDIT, MANILA WAS DEEP IN DEBT.  ITS REPORT SAID THE CITY GOVERNMENT HAD UNPAID DEBTS OF P 3.5 BILLION, OR MORE THAN THREE TIMES ITS CASH HOLDINGS OF P 1 BILLION. (VISUALS OF COA REPORT STORY).

APART FROM ITS TAX DUES TO THE BIR, THE COA SAID THE CITY DID NOT REMIT EMPLOYEE CONTRIBUTIONS TO THE GSIS, THE PAG-IBIG FUND AND PHILHEALTH.

MAHIGIT DIN NA DALAWANG TAON DIN NA HINDI NAKATANGGAP NG KANILANG MGA ALLOWANCE ANG MGA PULIS-MAYNILA.  KAYA NAMAN, IYONG ILAN, NAGHANAP NG MGA SIDELINE, GUMAWA NG IBA’T-IBANG KLASENG RACKET. KAYA ANG DATING KILALANG MANILA’S FINEST DAW AY NABANSAGAN TULOY NA MANILA’S WORST.

A LITTLE MORE THAN A YEAR AGO, TWELVE POLICEMEN FROM THE MPD STATION 4, INCLUDING THEIR COMMANDER, WERE CHARGED WITH KIDNAPPING AFTER A FIL-CANADIAN ACCUSED THEM OF EXTORTING ONE MILLION PESOS FROM HER (VISUALS OF STORY).

AND IN OCTOBER 2012, MANILA WAS REPORTED TO HAVE OVERTAKEN QUEZON CITY AS “THE CAR THEFT CAPITAL OF THE PHILIPPINES” BECAUSE OF MORE THEFT CASES REPORTED IN OUR CITY. (VISUAL OF CAR THEFT STORY).

SAMANTALA, USAD-PAGONG ANG DALOY NG TRAPIKO DAHIL SA DAMI NG MGA KOLORUM NA PAMPUBLIKONG SASAKYAN (VISUALS OF TRAFFIC IN MANILA).

KUNG NAKIKITA KO ITO, HINDI LANG KALYE ANG NAGSISIKIP. PATI DIBDIB KO NAGSISIKIP.

DAHIL SA KAWALAN NG DISIPLINA, PATI MGA KALYE, KAGAYA NG SA MAY KALAW AT PEDRO GIL, GINAWA NANG BUS TERMINAL. SA DIVISORIA NAMAN, DI NA MADAANAN ANG ILANG KALSADA DAHIL INOKUPAHAN NA NG SIDEWALK VENDORS. (VISUALS OF VENDORS IN DIVISIORIA.)

NAGKALAT ANG BASURA SA LAHAT NG LUPALOP NG LUNGSOD (VISUALS OF GARBAGE).

THE PROBLEM OF MOUNTING GARBAGE BECAME EVEN WORSE WHEN TYPHOONS CAME (MORE VISUALS OF GARBAGE).

SA BAHAGYANG PAG-ULAN, BAHA NA KAAGAD, KAGAYA DIYAN MISMO SA HARAP NG CITY HALL. AT KAPAG BUMAGYO NA, ANG LAGUSNILAD AY NAGIGING MISTULANG SWIMMING POOL (VISUALS OF FLOODING AND FLOODED LAGUSNILAD).

SA GANITONG SITWASYON, PAANO TAYO MAKAKA-AKIT NG KALAKAL AT PUHUNAN?

KAYA, SINIMULAN NATIN ANG MGA PROYEKTONG HINDI KAILANGAN NG MALAKING PONDO, LINISIN ANG MAYNILA AT MAGPAPAKITA NG TAMANG HALIMBAWA SA PAGPAPATUPAD NG BATAS (VISUAL OF MAYOR ERAP WITH WALIS).

IPINAGBAWAL NATIN ANG PAGPASOK SA SIYUDAD NG MGA COLORUM NA MGA BUS. (VISUAL OF VICE ISKO APPREHENDING COLORUM BUSES) .

MARAMING REKLAMO AT TAYO AY BINATIKOS TUNGKOL NG MGA COMMUTER AT BUS OPERATORS. PERO, SA BANDANG HULI, NATANGGAP NA RIN NILA ITO DAHIL SA GINHAWANG DULOT NG PAGLUWAG NG TRAPIKO, KAGAYA NA LAMANG DITO MISMO SA TAPAT NG CITY HALL.

NAGLUNSAD DIN TAYO NG ALL-OUT WAR AGAINST ILLEGAL GAMBLING (VISUALS OF MAYOR APPREHENDING VIDEO CARRERA).

DURING OUR FIRST ONE HUNDRED DAYS, THE MANILA POLICE DISTRICT CARRIED OUT 161 POLICE OPERATIONS AGAINST ALL FORMS OF ILLEGAL  GAMBLING RESULTING RESULTING IN THE  ARREST OF 209 PERSONS. OUR CAMPAIGN AIMS TO ERADICATE AND MITIGATE THE CORRUPTING INFLUENCE OF ILLEGAL GAMBLING IN MANILA.

SINIMULAN NA DIN ANG CLEARING OPERATIONS SA RECTO AREA. NAGBUKAS TAYO NG NIGHT MARKET SA DIVISORIA UPANG MAALIS ANG MGA PANINDA SA MGA KALSADA SA ARAW NA SAGABAL SA DALOY NG TRAPIKO. KAYA ANG ATING MGA KABABAYANG VENDORS, HINDI MAWAWALAN NG HANAPBUHAY PERO HINDI MAIIBSAN DIN ANG DALOY NG TRAPIKO SA ARAW. (VISUALS OF NIGHT MARKET).

IN ANOTHER EXAMPLE OF A PROJECT THAT ADDRESSES SEVERAL ISSUES, I HAVE ENTERED INTO AN AGREEMENT WITH A KOREAN COMPANY,  GLOBAL GOLD GOAL INC., WHICH WILL PROVIDE SOLAR-POWERED LED LIGHTS TO LAMP POSTS ALL OVER MANILA.

THESE LED LIGHTS WILL BE PROVIDED FREE OF CHARGE, THUS OUR CITY COFFERS WILL NOT BEAR THE BURDEN OF THEIR COSTS. SECOND, THESE LIGHTS ARE POWERED BY THE SUN, WHICH MEANS ELECTRICITY COSTS FOR LIGHTING UP THE CITY WILL BE REDUCED SIGNIFICANTLY. AND THIRD, A WELL-LIGHTED CITY HELPS OUR POLICE FORCE IN REDUCING CRIMES ON OUR STREETS.

ONLY RECENTLY, WE INAUGURATED THE FIRST OF THE WI-FI-READY WAITING SHEDS NEAR A FOOTBRIDGE IN ESPANA, IN FRONT OF UST (VISUALS OF WI-FI WAITING SHEDS).

ANG PROYEKTONG ITO AY BINUO AT NAISAKATUPARAN BUNGA NG SIPAG AT TIYAGA NG ATING GUWAPONG VICE-MAYOR, ISKO MORENO. GUWAPO SIYA PERO PALAGAY KO MAS GUWAPO AKO SA KANYA.

SOON, THIS SAME FREE WIRELESS INTERNET SERVICE WILL ALSO BE MADE AVAILABLE AT BUS STOPS IN THE PARK ‘N RIDE LAWTON TERMINAL, IN RIZAL PARK AND IN QUIRINO AVENUE.

KAYA NGA PO HINAHASA KO NA ANG AKING GALING SA PAGGAMIT NG  FACEBOOK AT TWITTER, PARA NAMAN LAGING CONNECTED ANG INYONG MAYOR SA KANYANG MGA KAPWA MANILENYO.

ONLY LAST WEEK, WE LAUNCHED A BOAT-MAKING CONTEST “BANGKA NI ERAP”, USING RECYCLED MATERIALS LIKE EMPTY PLASTIC BOTTLES.(VISUALS OF BANGKA NI ERAP).

THESE BOATS WILL BE USED IN TIMES OF EMERGENCIES AND RESCUE OPERATIONS DURING FLOODS. AND THEY ARE THE TESTIMONY AND CONCRETE PROOF OF THE INGENUITY, CREATIVITY AND RESOURCEFULNESS OF OUR MANILA’S YOUTH. WE THANK THEM FOR THEIR CONTRIBUTIONS NOT ONLY FOR DISASTER PREPAREDNESS BUT FOR INSPIRING US ON THE VALUES OF RECYCLING.

WE ALSO WELCOME THE ELECTION OF JUSTICE ARTEMIO TUQUERO AS THE NEW PRESIDENT OF OUR PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MAYNILA WHICH WE HOPE WILL FURTHER STRENGTHEN THE QUALITY OF EDUCATION IN THE CITY FOR OUR STUDENTS (VISUALS OF TUQUERO).

AT PINALAKAS RIN NATIN ANG KAMPANYA LABAN SA KRIMEN NA KUNG SAAN ANG ILAN AY SANGKOT PA ANG MGA PULIS, GAYA NG EXTORTION, KIDNAPPING, HULIDAP AT KOTONG.

MAY STATION COMMANDER TAYONG INALIS SA PUWESTO AT MGA PULIS NA NAIPAKULONG UPANG MAGSILBING LEKSYON SA LAHAT NA WALA TAYONG SINASANTO. KAPAG GUMAWA KA NG NG KALOKOHAN SA MAYNILA, MANANAGOT KA. AND THAT IS NOT A THREAT; THAT’S A PROMISE.

NGAYON, UNTI-UNTI NANG MAASAHAN ANG MANILA POLICE DISTRICT SA PAGBIBIGAY NG PROTEKSYON SA PUBLIKO. SA KATUNAYAN, MATAPOS ANG LABINLIMANG (15) TAON, NAKAMIT NG ATING MPD ANG PARANGAL NA NCRPO BEST POLICE DISTRICT OF THE YEAR 2013 (VISUALS OF MPD LOGO AND NCPRO AWARD).

KAYA HUWAG NA KAYONG MAGKAMALI NGAYON NA TAWAGIN ANG ATING MGA PULIS DITO SA MAYNILA NA MANILA’S WORST.

THEY WILL AGAIN BE MANILA’S FINEST AND THE COUNTRY’S BEST.

DAHIL ALAM KO ANG PANGANGAILANGAN NG MGA PULIS AT KANILANG PAMILYA, BINIGYAN KO MUNA SILA NG TIG-ISANG LIBONG PISONG (P1,000) ALLOWANCE KADA BUWAN MULA SA AKING DISCRETIONARY FUND (VISUALS OF MAYOR AWARDING INCENTIVE TO THE POLICE).

KAPAG ANG KABAN NG MAYNILA AY NAKA-RECOVER NA, BIBIGYAN KO SILA NG PRAYORIDAD AT IBABALIK ANG KANILANG ALLOWANCE.

KUNG WALANG KAAYUSAN AT KAPAYAPAAN, HINDI MAGKAKAROON NG KAUNLARAN.  WITHOUT PEACE AND ORDER, THERE CAN BE NO ECONOMIC DEVELOPMENT. IT IS FOR THIS REASON THAT WE ARE GIVING MUCH ATTENTION TO THE PEACE AND ORDER SITUATION.

AS CITY MAYOR OF MANILA, I HAVE NO GREATER DREAM THAN TO BRING BACK THE GLORY OF MANILA AND REVIVE IT AS THE TRADE AND FINANCIAL CENTER OF THE COUNTRY. TOWARDS THIS END, I LOOK FORWARD TO MAKING BINONDO AS AN AUTHENTIC CHINATOWN THAT IS SAFE AND TOURIST-FRIENDLY (VISUALS OF BINONDO).

ISA SA MGA PRAYORIDAD KONG PROYEKTO BILANG PUNONG LUNGSOD NG MAYNILA ANG BIGYAN NG BAGONG ANYO ANG BINONDO UPANG ITO AY MAGING TUNAY AT LIGTAS NA CHINATOWN (VISUAL OF CHINATOWN).

MAGLULUNSAD TAYO NG KAMPANYA PARA AKITIN ANG MAS MARAMING TURISTA MULA SA TAIWAN, HONG KONG AT IBA PANG BAHAGI NG MAINLAND CHINA.  AKO AY NAKATAKDANG PUMUNTA SA BEIJING, ISA RING SISTER CITY NG MAYNILA, UPANG PAIGTINGIN ANG ATING PAKIKIPAG-KAIBIGAN SA MGA PINUNO NG NASABING LUNGSOD.

LAST MONTH, I WENT ON A VISIT TO JAPAN TO RENEW AND STRENGTHEN OUR SISTER CITY RELATIONSHIP WITH YOKOHAMA. (VISUALS OF YOKOHAMA VISIT).

TULAD NG MAYNILA, ANG YOKOHAMA AY ISA RING PORT CITY NA NAGSISILBING ENTRY POINT SA JAPAN, KAYA NAPAKARAMING PILIPINO ANG DOON AY NAKATIRA NGAYON, AND MOST OF THEM ARE MARRIED TO JAPANESE CITIZENS.

SA YOKOHAMA RIN MATATAGPUAN ANG ISA SA PINAKAMALAKING CHINATOWN SA BUONG MUNDO, KAYA SISIKAPIN NATING MATUTO MULA SA KANILA IN TURNING OUR OWN BINONDO INTO NOT ONLY AN AUTHENTIC CHINATOWN, BUT A PROGRESSIVE AND DYNAMIC DISTRICT WHERE JOBS AND LIVELIHOOD OPPORTUNITIES COULD BE MADE AVAILABLE.

IN THAT SAME VISIT TO JAPAN, I MET WITH OFFICIALS OF THE JAPAN INTERNATIONAL COOPERATION AGENCY OR JICA REGARDING THEIR PROJECTS FOR THE REHABILITATION OF THE METRO MANILA AREA (VISUALS OF LOGO OF JICA).

JICA HAS AN ONGOING PROJECT WHICH AIMS TO HELP SOLVE ROAD CONGESTION IN METRO MANILA BY IMPROVING ITS MASS TRANSPORTATION SYSTEM.

UNDER THIS PROJECT, LRT LINE 1, WHICH RUNS FROM BACLARAN IN PASAY CITY TO NORTH AVENUE IN QUEZON CITY, WILL BE EXTENDED TO THE SOUTH TO THE NORTHERN PART OF CAVITE.

ON THE OTHER HAND, LRT LINE 2, WHICH RUNS FROM RECTO TO SANTOLAN IN PASIG, WILL BE EXTENDED TO THE EAST TO THE CITIES OF MARIKINA AND ANTIPOLO (VISUALS OF LRT).

THIS WILL ENHANCE THE CAPACITY OF BOTH LINES TO SERVE MORE PASSENGERS GOING TO AND FROM THE CENTRAL AREA OF THE CAPITAL.

ACCORDING TO THE 2010 CENSUS, MANILA, AS THE CAPITAL CITY, HAS ONLY A POPULATION OF 1.6 MILLION BUT, DURING DAYTIME. THE DAYTIME POPULATION HOWEVER SWELLS BY ANOTHER MILLION AS TRANSIENTS AND CITY WORKERS FLOW IN FROM OTHER PARTS OF THE METROPOLIS AND NEIGHBORING PROVINCES.

KAYA, KUNG TUTUUSIN, ANG MGA PAGBABAGONG GINAGAWA NATIN SA MAYNILA AY DI LAMANG PARA SA MGA MANILENYO KUNDI GAYUNDIN PARA SA LAHAT NG TAGA-IBANG LUGAR NA NAGTRATRABAHO DITO.

IN THAT SAME MEETING WITH JICA, I SOUGHT THE ASSISTANCE OF THE JAPANESE GOVERNMENT FOR THE REPAIR OF THE DRAINAGE SYSTEM IN THE ENTIRE CITY OF MANILA. OUR DRAINAGE SYSTEMS ARE CLOGGED, TO SOLVE OUR PROBLEM OF FLOODING. THIS ENTAILS A GREAT DEAL OF MONEY WHICH OUR GOVERNMENT UNFORTUNATELY DOES NOT HAVE.

THE INDISCRIMINATE DUMPING OF WASTE HAS BEEN IDENTIFIED AS ONE OF THE REASONS WHY WE HAVE CLOGGED WATERWAYS THAT CAUSE FLOODS IN METRO MANILA DURING THE RAINY SEASON (VISUALS OF GARBAGE).

METRO MANILA GENERATES SOME 8,700 TONS OF GARBAGE DAILY, OF WHICH ONLY 70% IS COLLECTED EFFICIENTLY WHILE THE REMAINING 30% GOES TO CANALS, CREEKS AND RIVERS.  THE LATTER TRASH CLOGS THE DRAINAGE PIPES AND THE ESTEROS, WHICH USED TO BE EFFECTIVE DRAINAGE SYSTEMS.

AYON SA ISANG PAG-AARAL, MAYROONG DALAWAMPU’T-SIYAM (29) NA MISSING ESTEROS O CREEKS IN METRO MANILA. PATI MGA ESTERO KINIDNAP NA SA MAYNILA.

THE DISAPPEARANCE OF THESE CREEKS HAS CONTRIBUTED HIGHLY TO THE METROPOLITAN FLOOD PROBLEM WHICH OUR FLOOD CONTROL PROJECTS FIND DIFFICULT TO SOLVE.

ANG ILAN DITO AY NATABUNAN NA SA KONSTRUKSYON NG MGA IMPRASTRUKTURA, MGA GUSALI, AT IBA PANG ESTABLISIMYENTO.  HALIMBAWA, ANG ESTERO DE QUIAPO AY NATAKPAN NANG GAWIN ANG QUEZON BOULEVARD AT NGAYON AY KINATATAYUAN NA NG ISANG BUILDING SA RECTO.

SA PUNTONG ITO, NAIS KONG BIGYANG-PANSIN ANG ILANG GRUPO SA PRIBADONG SEKTOR NA TUMUTULONG SA ATING MULING PAGBUHAY SA MAYNILA.

THE GROUP WHICH HELD THE QUEZON CITY LEG OF ONE RUN, ONE PHILIPPINES AT THE QUEZON MEMORIAL CIRCLE LAST SUNDAY, OCTOBER 6, IS NOW CLEANING 16 ESTEROS IN METRO MANILA.

STARTING WITH ESTERO DE PACO, THEY HAVE ALREADY TRANSFORMED THE ESTEROS OF SAN MIGUEL, SAMPALOC, SANTIBANEZ AND AVILES INTO CLEAN WATERWAYS.

AS ITS IMPRESSIVE FULL-PAGE ADS IN NEWSPAPERS SHOWING BEFORE-AND-AFTER PHOTOGRAPHS OF THESE ESTEROS SAY, “CLEANING THE ESTEROS SPILLS OVER NOT JUST TO THE ECONOMY, PEACE AND ORDER, ENVIRONMENT, AND HEALTH, BUT MANIFESTS IN THE WAY PEOPLE FEEL PSYCHOLOGICALLY AND SPIRITUALLY.”

SIMILAR TO OUR PLAN TO REVIVE BINONDO, A GROUP OF BUSINESSMEN ON SEPTEMBER 26 JUMP-STARTED A MOVEMENT TO REVIVE THE ERMITA-MALATE TOURIST BELT AREA IN MANILA.

MEMBERS OF THE ERMITA-MALATE BUSINESS OWNERS ASSOCIATION (EMBOA) LED THE STREET CLEANUP AND THE REPAINTING OF SIDEWALKS ON MABINI STREET TO LAUNCH A SERIES OF PROJECTS PROMOTING HERITAGE TOURISM AND BRINGING BACK THE ROMANCE OF THE PLACE, PARTICULARLY AT REMEDIOS CIRCLE.

I ALSO SEEK THE HELP AND EXTEND MY THANKS TO THE FILIPINO CHINESE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY, INCORPORATED IN THEIR SUPPORT OF OUR PLANS TO MAKE BINONDO AN AUTHENTIC CHINATOWN.  THIS GROUP HAS BEEN VERY ACTIVE IN COMMUNITY DEVELOPMENT AND SOCIAL UNDERTAKINGS AND HAS BEEN AT THE FOREFRONT IN EXTENDING ASSISTANCE TO OUR COUNTRYMEN DURING TIMES OF DISASTERS AND CALAMITIES.

ITO ANG MGA TUNAY NA PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIPS.

TULAD NG PINATUTUNAYAN NITO, ANG PAGBUHAY AT PAGBIBIGAY-SIGLA SA MAYNILA AY ISANG MALAKING HAMON NA HINDI KAYA NG GOBYERNO LAMANG.

KAYA, NAGPAPASALAMAT TAYO SA PRIBADONG SEKTOR NA NAG-AAMBAG NG KANILANG TULONG UPANG MATUPAD ANG PANGARAP NATING ITO.  ANG SM  GROUP OF COMPANIES ANG MAG-AAYOS NG ATING CENTRAL MARKET.   ISANG SINGAPOREAN INVESTOR NA NAGNGANGALANG LIM CHI YUNG,  AY MAGIINVEST NA DALAWANG BILYONG DOLYAR PARA GAWING WORLD CLASS ANG ATING ZOO.

NARIYAN DIN ANG IBANG BANSA, TULAD NG JAPAN AT CHINA, NA NAGKAKALOOB NG TECHNICAL AT FINANCIAL ASSISTANCE SA ATIN. HIGIT SA LAHAT, KAILANGAN NATIN ANG TULONG NG MGA MAMAMAYAN, LALUNG-LALO NA NG MGA TAGA-MAYNILA AT MGA NAGTRATRABAHO RITO.

ANG ISANDAANG ARAW AY MAIKLING PANAHON LAMANG PARA MAGAWA LAHAT ANG NAIS NATING GAWIN. KAHIT ISANG LIBONG ARAW PA SIGURO O HANGGANG SA MATAPOS ANG AKING TERMINO BILANG CITY MAYOR AY HINDI PA SAPAT UPANG MATUPAD ANG ATING MGA PANGARAP.

ANG MAHALAGA AY ITO’Y ATING NASIMULAN NA. AT SA PAGKAKATAONG ITO, NAKIKI-USAP AKO SA LAHAT.  MAGTULUNGAN TAYONG IBANGON MULI ANG MAYNILA.  IBALIK NATIN ANG DATING SIGLA NG SIYUDAD UPANG ITO AY MAGING MAS MAPAYAPA AT MAUNLAD.

ITO ANG PAMANANG GUSTO KONG IWAN SA MAYNILA AT SANA AY TULUNGAN NINYO AKONG MAKAMIT ITO.

MARAMING SALAMAT PO AT MABUHAY ANG ATING MAKASAYSAYANG LUNGSOD NG MAYNILA!