Surprise Visit

Nasorpresa ang ilang mga senior citizens ng Maynila kabilang ang ilang mga dating kawani ng Division of City Schools (DCS) sa biglaang pagbisita ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada sa tanggapan ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa City Hall. Tiniyak ni Mayor Erap na tuloy-tuloy na natatanggap ng mga dating kawani ang kanilang monthly allowance mula sa lungsod. Pinatunayan naman ng ilan sa kanila na hindi lang mga kabataan ang magaling mag-selfie lalo na pag kasama sa picture-picture ang walang kupas na si Mayor Erap. “Kami rin, noh!” anila. (Larawan ni Joel Santos)