Reclamation Projects ni Erap, Suportado ng mga Negosyante

(By | facebook@mayorjosephestrada)

Suportado ng pinakamalaking organisasyon ng real estate professionals ang mga reclamation projects na sinusulong ni Mayor Erap na anila’y lalong magpapalakas ng foreign investments sa lungsod.

Pinuna rin ng Manila Board of Realtors, Inc. (MBRI) ang mabilis na pag-usbong ng real estate industry sa Maynila, lalo na sa nakaraang apat na taon nang umupo si Mayor Erap.

“I want that our city move forward. We’ve been left behind by other cities so any progressive idea and how to move forward in the city of Manila, we should welcome it,” pahayag ni MBRI director April Tiquio. Tinutukoy niya ang apat na bilyun-bilyong pisong reclamation projects sa Manila Bay na inaprubahan ngayong termino ni Mayor Erap.

“Yes, we fully support the reclamation project,” ayon pa kay Tiquio.