Philhealth Cards: Ang Ika-Apat Na Yugto

Sa ika-apat na pagkakataon, muling namahagi si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada ng Philhealth cards sa mga Manilenyong nag-qualify para makatanggap ng card. May 3,500 ang nagtipon sa San Andres Sports Complex upang matanggap ang kanilang cards – may nakangiti ng buong tamis, may nag-mano kay Mayor, meron ding winagayway ang kanilang card ng buong pagmamalaki. Pero lahat, masaya. At lahat, nagpasalamat sa benepisyong handog ng programa ni Mayor Erap na “Philhealth Para sa Masa.” Sulong Maynila! (Mga larawan ni Joel Santos)