Patubig Beneficiaries, Muling Nagpasalamat kay Mayor Erap

Dumalaw ang mga community leaders at residente ng Isla Puting Bato sa tanggapan ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada upang muling magpasalamat sa suportang ibinigay niya sa proyektong patubig sa kanilang lugar. Nagtuloy tuloy ang proyekto sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Erap, at personal pang nagtungo doon si Mayor noong isang linggo upang pangunahan ang ceremonial launching ng project na sinaksihan naman ng mga pamilyang makikinabang dito. (Larawan ni Joel Santos)