Pasasalamat, Pagmamahal

Tulad ng nakagawian sa loob ng maraming taon, nag-ikot si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada para sa kanyang tradisyonal na gift giving sa araw ng kanyang kaarawan. Ayon sa alkalde, mas masaya siyang makasama ang kanyang kababayan at sa piling nila magdaos ng kanyang birthday. Tuwang tuwa naman ang mga residente ng kanyang dinalaw na komunidad – kabilang ang Delpan, Baseco at ang Asociasion de Damas Filipinas – dahil kasama din ni Mayor Erap ang kanyang dalawang anak na sina dating Senador Jinggoy “CitiSen Jee” Estrada at Senador JV Ejercito – sa kanyang pagbisita. Happy Birthday, Mayor Erap! (Mga larawan ni Joel Santos)