Parangal para sa mga Super Lolos at Super Lolas

Naging masaya, makulay at puno ng katuwaan ang naganap na Araw ng Parangal Para sa mga Natatanging Nakatatandang Manilenyo na dinaluhan ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada na siya ring personal na nagpasalamat sa mga senior citizens ng lungsod para sa kanilang naiambag sa pag-unlad ng Maynila. Hiyawan sa tuwa ang mga naroon nang mang-harana si Mayor habang inaawit ang kanyang paboritong “Kahit na Magtiis.” At dahil hindi nagpa-kabog ang mga Madam na naroon, nagpakitang gilas pa sila sa pagsayaw ng “BOOM BOOM” kaya’t lahat ng naroon ay talaga namang napa-wow sa kakaibang energy ng mga senior citizens ng Maynila. What is age but just a number. We are proud of you, our Super Lolos and Lolas! (Larawan ni Joel Santos)