Panunumpa

Nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng San Andres Public Market Stall Vendors Association, Inc. sa harap ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada kamakailan sa Bulwagang Villegas ng City Hall. Matapos nito ay nagkaroon din ng dayalogo kung saan iginiit ni Mayor Erap na sana’y patuloy na magkaisa ang lahat upang magtuloy-tuloy ang pag-asenso ng lahat ng mga stall holders ng nasabing palengke. (Larawan ni Joel Santos)