Pangkabuhayan Project ng Maynila, DOLE

Bilang pakiki-isa ng lungsod sa paggunita sa Persons With Disability Week, nagkaisa ang Maynila at ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa isang Pangkabuhayan Program na naglalayong makatulong sa mga Manilenyong may kapansanan upang magkaroon ng sariling maliit na negosyo. Bawat isang beneficiary ay nakatanggap ng halagang P10,000.00 para sa iba’t ibang home-based business tulad ng leche flan making, shoes and bag repairing, home baking at iba pa. Personal na inabot ni Mayor ang ibinihaging tulong sa mga beneficiaries, at isa-isa pang tiningnan ang kanilang mga paninda sa naganap na simpleng seremonya sa Bulwagang Villegas, City Hall. (Larawan ni Joel Santos)