Pailaw sa Bgy. 105

pailaw sa bgy 105

Dumalo kamakailan si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada (ika-6 mula sa kaliwa) sa pormal na “switch-on ceremony” sa isinagawang pailaw ng One Meralco Foundation sa Aroma Compound Bgy. 105, sa ilalim ng Community Electrification Program ng nasabing organisasyon. Sa kanyang maikling mensahe, pinasalamatan ni Mayor Erap ang One Meralco sa pagtugon sa kahilingan ng mga residente sa nasabing lugar na sila’y mabigyan ng kuryente. Ngayon, ani Mayor, hindi na dilim ang bumabalot sa tahanan ng mga nakatira doon kung hindi liwanag na may dalang bagong pag-asa. (Larawan ni Joel Santos)