Pagbisitang Pasasalamat

Binisita ng mga residente ng Bgy. 654 (Zone 69 Dist. 5) sa Intramuros si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada upang personal na ihatid ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa ginawang aksiyon ng alkalde, kung saan pinatigil ng huli ang napipintong demolisyon ng kanilang mga bahay. Magugunitang hinarang ni Mayor Estrada ang demolisyon base sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa “No relocation, no demolition.” (Mga larawan ni Joel Santos)