Oath Taking ng mga SK Officials

Si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada ang espesyal na panauhin sa panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Sangguniang Kabataan ng mga barangay sa Maynila, na ginanap sa San Andres Gym. Sa kanyang maikling talumpati, pinayuhan niya ang mga opisyal na maglingkod ng tapat at may integridad, at sinabing sila ang magiging inspirasyon ng iba pang kabataan upang higit na magsikap para sa kanilang kinabukasan. (Larawan ni Joel Santos)