Mga Batang Graduates ng D.A.R.E.

Si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada (ika-tatlo mula sa kaliwa sa unang larawan) ang espesyal na panauhin sa ginanap na graduation ng 377 estudyante mula sa V.E. Fugoso Elementary School sa Boystown complex, matapos nilang kumpletuhin ang kanilang DARE (Drug Abuse Resistance Education) program. Layunin ng programang turuan ang mga bata na tumanggi sa sinumang nag-aalok sa kanila ng anumang uri ng droga, at isumbong ang mga ito sa awtoridad. Si Mayor Erap ang naglunsad ng DARE program sa Pilipinas noong siya’y naglingkod bilang bise-presidente mula 1992 hanggang 1998, bilang bahagi ng kanyang adbokasiyang wasakin ang industriya ng droga sa bansa. (Mga larawan ni Joel Santos)