Mga Bagong Graduates ng MMDC

Parang isang galak na galak na ama si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada kanina sa San Andres Sports Complex sa naganap na graduation ceremones para sa 1,035 new graduates ng Manila Manpower Development Center (MMDC). Sa loob ng 20 araw ay nagsanay sila sa iba’t ibang short-term courses tulad ng massage therapy, beauty care, barista, beads assembly, cooking & food processing at maraming iba pa. Tuwang tuwa din ang mga new grads matapos ianunsiyo ni Mayor na lahat sila’y eligible ng mag-apply para sa Capital Assistance Program (CAP) ng lungsod, kung saan maaari silang humiram ng hanggang P5,000.00 para makapag-bukas ng kanilang sariling maliit na negosyo. Simula Mayo 7 (Lunes) ay ilulunsad na rin ang evening classes sa MMDC upang higit na marami pang Manilenyo ang matulungan na makapag-sanay sa iba’t ibang kurso tungo sa mas maraming oportunidad pang-kabuhayan. (Mga larawan ni Joel Santos)