Mayor Erap, Dinalaw ang Pier 18 Garbage Transfer Station

Sorpresang dinalaw ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada ang Pier 18 garbage transfer station upang personal na tiyakin at saksihan ang operasyon ng barge na pinaglalagakan ng basura ng lungsod. Inikot ni Mayor ang pasilidad at kinausap pa ang mga nangangasiwa dito upang matiyak na walang magaganap na disruption sa operasyon nito. (Larawan ni Joel Santos)