Mayor Erap at mga Konsehal, Nagpa-Drug Test

drug test

All smiles at buong pagmamalaking humarap sa kamera si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada at mga konsehal ng lungsod ng Maynila matapos ang isinagawang surprise drug test sa CIty Hall. Maging ang libu-libong kawani ng lungsod, mga barangay chairmen at kagawad ay sasailalim din sa drug test sa mga susunod na araw upang tiyakin na walang sinuman sa kanila ang gumagamit ng iligal na droga. Nauna ng nagbabala si Mayor Erap na sinumang mag-positive sa drug test ay agad niyang tatanggalin sa puwesto at sasampahan pa ng kaso sa korte. (Larawan ni Joel Santos)