Manila City Hall Namigay ng P7-Million Cash Incentives sa 1,161 K-12 Honor Students sa Manila

Manila Mayor Joseph Estrada FB Page Post | April 26, 2018

Ang local government ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Joseph Estrada ay namigay ng 7,196,000 na cash incentives para sa 1,161 K-12 graduate students at sa bawat rango ay mayroong angkop na halaga.

Sa speech niya, sabi ni Mayor Erap na mahalaga sa kanya na mag-excel ang mga mag-aaral ng Manila.”I want you to be the best. I am giving you cash incentives because you strove to be the brightest students and not just average students of Manila,” ayon sa dating Presidente.

Para sa rank 1 sila ay makakatanggap ng P7,000, ang rank 2 naman ay makakatanggap ng P6,000, para sa a rank 3 naman ay makakatanggap ng P5,000, rank 4 naman ay makakatanggap ng P4,000 at ang rank 5 naman ay makakatanggap ng P3,000.

Hindi na nakahabol sa awarding ceremonies sa San Andres Sports Complex ang Erap All Star shoes na gusto rin ni Mayor Erap ibigay sa mga honor students. Ang mga ito ay bibigay sa mga honor students sa Mayo kasabay sa 280,000 na mga estudyante sa elementary at high school level na bibigyan rin na ganitong sapatos.