Livelihood Capital Para Sa Mga Seniors

Malugod na naki-isa si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada (kanan) sa pamamahagi ng livelihood capital ng Department of Labor & Employment (DOLE)-Manila sa mga kasapi ng Nagkakaisang Senior Citizens ng Maynila D6. Bahagi ito ng programa ng DOLE at ng lokal na pamahalaan ng Maynila na matulungan ang mga seniors na magkaroon ng maliit na negosyo na makaka-tulong sa kanilang mga gastusin. Sa larawan, kasama ni Mayor Erap ang mga sumusunod (mula kaliwa): DOLE-Manila official Leonides Castillon at Atty. Johnson Canete, Jr.; at si Ginang Necita Salivid, presidente ng nasabing samahan. (Larawan ni Joel Santos)