Libreng Gamot sa Nakatatanda sa Maynila

Pinangunahan ni Pangulong Mayor Joseph Ejercito Estrada ang pamamahagi ng gamot sa mga senior citizens ng Maynila sa ilalim ng programang “Libreng Gamot sa Nakatatanda sa Maynila” ng Manila Health Department (MHD) na inilunsad kamakailan sa Bulwagang Villegas ng City Hall. Sa kanyang maikling talumpati, ipinangako ni Mayor Erap na patuloy na gagawa ng mga proyekto ang kanyang administrasyon upang makatulong sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga nakatatanda – na kanyang binansagang mga Super Lolo at Super Lola – sa Lungsod ng Maynila. (Larawan ni Joel Santos)