Kalingap ni Erap 3

Sa ikatlong taon, idinaos ang Kalinga ni Erap, alay ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada sa lahat ng Manilenyo upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan. Bukod sa medical/dental mission, nagpamahagi din ng mga reading glasses at may libre ding bakuna para sa mga bata. May on-the-spot screening pa gamit ang ECG, at information campaign din kung saan nagsalita ang mga eksperto ukol sa iba’t ibang paksa tulad ng HIV/AIDS, wastong hygiene, at maging sa kaligtasan sa lansangan (road safety awareness). Libu-libong Manilenyo ang dumagsa sa Tondo Sports Complex kung saan ginanap ang misyon. (Mga larawan ni Joel Santos)