Inagurasyon ng Health Dist. II Office

Masayang pinangunahan ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada ang naganap na inagurasyon at blessing ng bagong-renovate na Health District II Office (Juan Luna St., Tondo) ng lungsod. Nakipag kwentuhan si Mayor sa mga opisyal at iba pang panauhin na naroon, at sinabing tuloy-tuloy ang pagsasa-ayos ng mga pasilidad pang-kalusugan ng lungsod upang higit pang maserbisyuhan ang mga Manilenyo. (Larawan ni Joel Santos)