Handog sa Centenarians

HANDOG SA CENTENARIANS

Malugod na inabot ni Pangulong Mayor Joseph Ejercito Estrada sa mga Centenarians na sina Gg. Natividad “Nati” Martinez, (kaliwang larawan), at Gg. Leopolda “Polding” Robble, ang handog ng lungsod bilang pagkilala sa lahat ng mga Centenarians ng Maynila. Nakipag-kwentuhan pa sandali ang dalawa kay Mayor Erap, kung saan buong pagmamalaki pang sinabi ni Aling Polding na umabot siya sa edad 103 dahil gulay lang ang kanyang kinakain at ayaw niya ng mantika sa kanyang pagkain. (Mga larawan mula kay Joel Santos)